Monday, March 23, 2009

kasulatan lamang? HINDI!!!!!

kaya pala eh... napakahusay ng mga kapatid na katoliko.. mabuhay kyo.. purihin ang diyos.hindi na nakapagtataka na pabago bago ng doktrina si eli... add. hahaha.Maraming "Cristiano" ngayon ang naniniwalang Biblia ang tanging batayan ng mga doktrinang dapat ituro at sampalatayanan sa Simbahan. Ang tawag sa paniniwalang ito ay Sola Scriptura, mga salitang Latin na ang ibig sabihin ay "kasulatan lamang". Ang kumatha ng paniniwalang ito ay si Martin Luther, ang kinikilalang "ama" o pasimuno ng Protestantismo. Siya ang nagtatag ng kauna-unahang denominasyong Protestante, ang Lutheran Church, noong 1522. Sa Diet of Augsburg na ipinatawag ni Emperor Charles V noong 1530, isa ang Sola Scriptura sa mga naging opisyal na doktrina na kinilala sa Lutheran Church. Magmula noon, ang Sola Scriptura na ang naging pangunahing doktrina ng lahat ng mga nagsulputang denominasyong Cristiano. Kahit ang "Iglesia ni Cristo" na itinatag ni Felix Manalo Ysagun noong 1914, pati ang "Jehovah's Witnesses" na itinatag naman ni Charles Taze Russell noong 1874, at maging ang "Iglesia ni YHWH at ni YHWSA HMSYH" ("Ang Dating Daan"/"The Church of God International") na itinatag naman ni Eliseo Soriano noong 1976, ay pare-pareho ding naniniwala sa Sola Scriptura. Naniniwala ba sa Sola Scriptura ang mga Judio? Hindi. Naniniwala ba sa Sola Scriptura ang nagkakaisang Simbahan noong unang sanlibong taon ng Cristianismo? Hindi. Kahit ang mga Muslim ay hindi naniniwalang ang "Koran" lang ang batayan ng mga doktrina nila. Ang Sola Scriptura ay isang natatanging doktrinang Protestante na naipakilala lang noong ika-16 na siglo. Isa itong bago at inimbentong doktrina. Sa doktrinang Sola Scriptura, ang "scriptura" (kasulatan) na tinutukoy dito'y hindi lang basta tumutukoy sa "Biblia". Tumutukoy ito sa mga sari-saring bersyon ng Bibliang Protestante. Hindi ito tumutukoy sa mga Banal na Kasulatang ginamit ng mga sinaunang Cristiano at patuloy na ginagamit ng Simbahang Katoliko. Maaaring tumukoy ito sa isang piling bersyon ng Biblia na "wasto" ayon sa opinyon ng isang partikular na denominasyon. Halimbawa, sa panig ng mga Jehovah's Witnesses, ang Bibliang ginagamit nila ay ang New World Translation. Sa panig naman ng "Iglesia ni Cristo", gumagamit sila ng iba't ibang bersyon ng Biblia depende sa kung aling bersyon ang mas kumikiling sa mga itinuturo nila; halimbawa, para patunayang "Iglesia ni Cristo" ang pangalan ng Simbahan, sumasangguni sila sa Lamsa Translation.

0 (mga) puna:

About This Blog

About This Blog

  © Free Blogger Templates Spain by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP