Monday, March 23, 2009

ang ganda nito... an cute ni mama mary... napakahumble talaga ng ating mahal na ina,, si sta.ana yung kasama nya.. yun ang mama nya.. astig to!!

Read more...

salamat!!

makabuluhan pala ito.. hehehe. praise Jesus!!!

Read more...

INDULHENSIYA? WALAN BISA? FOR SALE? OMG!!!

dk hindi ako nagbibigay ng insulto... pasenxa na kung destructive dating sau.. pero kapag sila ang nagsasalita laban sa atin ok lng... kelangan din sabihin ang totoo at yun ay dapat. pabago bago ng doktrina c eli... yun ay totoo.

indulgence:Dahil sa katangiang-likas nito, ang kasalanan ay may dalawang epekto. Kapag malubha/mortal, sinisira nito ang ating kaugnayan sa Diyos, kaya't inaalis nito sa atin ang buhay na walang hanggan (parusang walang-hanggan). Ngunit pinahihina rin at sinasaktan ng lahat ng kasalanan ang ating kaugnayan sa Diyos at sa kapwa at sa pamayanan (parusang makalupa). Ang parehong parusang ito ay hindi ipinapataw ng Diyos bagkus dumadaloy ito mula sa katangiang-likas ng kasalanan. Ang walang-hanggang parusa sa kasalanan ay naglalaho kapag ang bagabag sa ating pagkakasala ay pinatawad; at muli tayong nababalik sa pakikipag-isa sa Diyos. Subalit nananatili ang mga pinsalang temporal nito. Hinahamon tayong harapin ang mga epektong temporal na ito sa pamamagitan ng matiyagang pagbabata, pagsisikap, panalangin, at pagtanggap sa kamatayan bilang hangganan ng ating pantaong kalagayan sa lupa. Hinahamon tayong isantabi "ang dating pagkatao" na pinabubulok ng mandarayang pagnanasa, at "ang dapat makita sa inyo'y ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng kanyang katuwiran at kabanalan" (Ef 4:22-24). Ngunit ipinagpapatuloy natin ang pagsisikap na ito bilang mga kaanib ng isang malawak na pakikipag-isa, ang Katawan ni Kristo, ang Simbahan. Ngayon ang Simbahan, bilang "pakikipag-isa ng mga banal" ay tumutulong sa mga kaanib nito sa pagkakaloob ng mga indulhensya, ayon sa kapangyarihang italaga sa nangungumpisal ang bahagi ng kaban ng mga kapakinabangang tinamo ni Kristo at ng mga santo upang maibsan ang makalupang parusa para sa mga kasalanang napatawad na. Pinatatawad nang lubusan (plenary indulgence) o bahagi lamang (partial indulgence) ang makalupang parusa para sa mga kasalanang napatawad na. Ang "kaban" ng Simbahan ay hindi katulad ng "kabuuan ng lahat ng mga kayamanang materyal na nilikom sa loob ng mga siglo, kundi ang walang-hanggan, at hindi maubos na kahalagahan ng mga kapakinabangang tinamo ni Kristo sa harap ng Diyos, alalaong baga'y, si Kristo ang Mananakop mismo na nag-alay ng ganap at nakaliligtas na sakripisyo ng pag-ibig para sa sanlibutan. "Kasama rin ang mga panalangin at mga mabuting gawa ng Mahal na Birheng Maria...mga banal, at lahat ng mga sumunod sa yapak ni Kristo ang Panginoon at sa pamamagitan ng kanyang grasya ay nabuhay nang banal sa pagtupad nila sa misyon na inihabilin ng Ama sa kanila. Sa ganitong paraan, naabot nila ang sariling kaligtasan at kasabay nito ang pagtulong sa pagliligtas ng kanilang mga kapatid sa pakikipag-isa ng Katawang Mistiko" (Pablo VI, Indulgentiarum Doctrina, 5. Tingnan CCC 1471-79). Ano ang mga "indulhensya"?Ang mga indulhensya ay ang pagpapatawad sa lahat (plenaryo) o bahagi (partial) ng mga makalupang kaparusahan na dulot ng kasalanang napatawad na. Ipinagkakaloob ito dahil sa mga kapakinabangang nagmumula kay Kristong Manunubos at sa mga panalangin at mabubuting gawa ng Mahal na Birhen at mga Santo.

Read more...

kasulatan lamang? HINDI!!!!!

kaya pala eh... napakahusay ng mga kapatid na katoliko.. mabuhay kyo.. purihin ang diyos.hindi na nakapagtataka na pabago bago ng doktrina si eli... add. hahaha.Maraming "Cristiano" ngayon ang naniniwalang Biblia ang tanging batayan ng mga doktrinang dapat ituro at sampalatayanan sa Simbahan. Ang tawag sa paniniwalang ito ay Sola Scriptura, mga salitang Latin na ang ibig sabihin ay "kasulatan lamang". Ang kumatha ng paniniwalang ito ay si Martin Luther, ang kinikilalang "ama" o pasimuno ng Protestantismo. Siya ang nagtatag ng kauna-unahang denominasyong Protestante, ang Lutheran Church, noong 1522. Sa Diet of Augsburg na ipinatawag ni Emperor Charles V noong 1530, isa ang Sola Scriptura sa mga naging opisyal na doktrina na kinilala sa Lutheran Church. Magmula noon, ang Sola Scriptura na ang naging pangunahing doktrina ng lahat ng mga nagsulputang denominasyong Cristiano. Kahit ang "Iglesia ni Cristo" na itinatag ni Felix Manalo Ysagun noong 1914, pati ang "Jehovah's Witnesses" na itinatag naman ni Charles Taze Russell noong 1874, at maging ang "Iglesia ni YHWH at ni YHWSA HMSYH" ("Ang Dating Daan"/"The Church of God International") na itinatag naman ni Eliseo Soriano noong 1976, ay pare-pareho ding naniniwala sa Sola Scriptura. Naniniwala ba sa Sola Scriptura ang mga Judio? Hindi. Naniniwala ba sa Sola Scriptura ang nagkakaisang Simbahan noong unang sanlibong taon ng Cristianismo? Hindi. Kahit ang mga Muslim ay hindi naniniwalang ang "Koran" lang ang batayan ng mga doktrina nila. Ang Sola Scriptura ay isang natatanging doktrinang Protestante na naipakilala lang noong ika-16 na siglo. Isa itong bago at inimbentong doktrina. Sa doktrinang Sola Scriptura, ang "scriptura" (kasulatan) na tinutukoy dito'y hindi lang basta tumutukoy sa "Biblia". Tumutukoy ito sa mga sari-saring bersyon ng Bibliang Protestante. Hindi ito tumutukoy sa mga Banal na Kasulatang ginamit ng mga sinaunang Cristiano at patuloy na ginagamit ng Simbahang Katoliko. Maaaring tumukoy ito sa isang piling bersyon ng Biblia na "wasto" ayon sa opinyon ng isang partikular na denominasyon. Halimbawa, sa panig ng mga Jehovah's Witnesses, ang Bibliang ginagamit nila ay ang New World Translation. Sa panig naman ng "Iglesia ni Cristo", gumagamit sila ng iba't ibang bersyon ng Biblia depende sa kung aling bersyon ang mas kumikiling sa mga itinuturo nila; halimbawa, para patunayang "Iglesia ni Cristo" ang pangalan ng Simbahan, sumasangguni sila sa Lamsa Translation.

Read more...

wat about rosary...biblical ba ito?? literal na merong bng rosaryo ang mga unang cristiano??


cguro nga dapat ako ang sumagot nito... family rosary crusade ako eh hehehe.. anyway kapatid, god is gud.!! napakaganda ng iyong katanungan,,marami ang bumabatikos sa rosario kung ito ba ay batay sa biblia at kung ito ba ay ginamit ng mga sinaunang cristiano..wala ang Rosaryo sa bibliya kapatid pero ang diwa nito ay nasa bibliya.. pati ang nilalaman ng rosario ay nasa bibliya, mula sa credo hanggang sa panapos nito... maxado lng mahaba kung iisa isahin ko pa. katulad ng bibliya.. ang salitang bibliya ay hindi mo din makikita sa loob ng nasabing aklat. pero ang rosario ay tinuturing na "CRISTOLOGICAL PRAYER" o umiikot sa buhay ni kristo. tama kapatid dito mo maasasambit ang buhay, pagpapakasakit at tagumpay ni kristo. ang rosario ay ang buod ng buhay ni kristo na nagmula sa loob ng bibliya na itinuturing nating salita ng diyos, kung magkagayon walang masama sa pagdadasal ng bibliya sapagkat nilalaman nito ang ilng bahagi ng salita ng diyos o salita ng buhay, totoo na kapiling natin ang diyos kapag nananalangin ng rosario pagkat ayon sa Juan 1:1 SA PASIMULA NAROON NA ANG SALITA, ANG SALITA AY KASAMA NG DIYOS AT ANG SALITA AY DIYOS". tumpak na ang bumubuo sa rosario ay salita ng diyos.amen amen amen!!!

Read more...

ave maria!!! ung pagpapapako ay isa lamang sa tinatawag nating kultura.... hindi ito sakop ng tradisyon ng simbahan. itoy mahigpit na tinututulan ng simbahan sapagkat itoy walang kabuluhan. iniisip ng nakakarami na itoy pagbabayad puri pero sabi ng bibliya ang paghahandog ni hesus ng buhay ay panghabampanahon na yun. wala rin itong kalakip na indulhensia at itoy maituturing na kasalanan sa espiritu sapagkat ang ating katawan ay templo ng espiritu.gods will or free will?: marami talaga ang nalilito jan. free will ay mga bagay at pangyayari na tayo ang pumipili o nagdedesisyon subalit ang ibinubunga nito ay xang kalooban ng diyos hindi ang sa tao. mayroon tayong utak at puso. hindi pwedeng utak lng ang sinusunod. kelangan natin ng puso. hindi din [wede ang puso lng... lagi dapat sila nagtutugma. ngayon kung hindi ka makapag isip at naguguluhan ka isa lng ibig sabihin nun... itz a big "NO".Does the Bible make you doubt?In what way? : hindi kapatid.. hindi ako nagdadoubt eh.. tama lahat ng sinasabi sa bibliya. walang dapat ikaduda unless gumagawa ka ng ikadududa mo... db. roma 10:3

Read more...

sige po may tanong po ako.....How can we know if it's God's will for us and not our free will?nalilito po ako about dyan ehh..

Read more...

Paul0 MigueL wrote on Fri, 20 March 2009 10:12
ibahagi ko lng pohh... isa ito sa artikulo ko na lalabas sa dyaryo ng parokya namin.....Sa Biblia mismo, sinasabing ang Simbahan, hindi ang Biblia, ang "haligi at saligan ng katotohanan" (1 Timoteo 3:15). Ang Espiritu Santo, hindi ang Biblia ang ipinangako ng Panginoong Jesus na "tutulungan niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan" (Juan 16:13). At bilang mga Cristiano, dapat tayong manatiling matatag sa mga TRADISYON na itinuro ng mga apostol "maging sa salita o sa sulat" (2 Tesalonica 2:15). Bilang isang Cristiano dapat nating sampalatayanan ang lahat ng mga katotohanang ipinahayag/ibinunyag sa atin ng Diyos, at dapat tayong tumalima sa lahat ng mga ipinag-uutos Niya sa atin. Subalit hindi lahat ng mga ginawa at itinuro ng Panginoong Jesus ay nasusulat sa mga Banal na Kasulatan (Juan 20:30, 21:25). Hindi lahat ng mga itinuro ng mga apostol ay matatagpuan sa mga sinulat nila (2 Juan 12; 3 Juan 13). Sinabi ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos na "Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutuhan, tinanggap, narinig, at nakita sa akin." (Filipos 4:9). Diyan makikita nating hindi lang ang kanyang mga "sinulat" ang dapat sundin at isagawa ng mga taga-Filipos. "Alalahanin ang mga salita ng Panginoong Jesus: 'Higit na mapalad ang magbigay kaysa tumanggap' " (Gawa 20:35). Ang mga salitang iyon ng Panginoong Jesus ay wala sa apat na Ebanghelyo, nangangahulugang ang Gawa 20:35 ang UNANG BESES na iyon ay nasulat. Kung ang mga kasulatan lamang ang pinagbabatayan ng pananampalataya ng mga Cristiano noon, paano nila "aalalahanin" ang isang katuruan na isang beses lang nasulat at sa mismong kasulatan pa kung saan sinasabing "alalahanin" nila ito? Diyan makikitang ang Mabuting Balita ay nakarating sa mga tao hindi lang sa pamamagitan ng mga kasulatan, kundi sa pamamagitan din ng salita. Ang Mabuting Balita ay ipinalaganap ng mga Apostol hindi lang sa pamamagitan ng pagsusulat kundi sa pamamagitan ng pangangaral, ng pag-iiwan ng halimbawang dapat tularan, kapangyarihan at patotoo ng Espiritu Santo, atbp (2 Timoteo 3:14; 1 Corinto 15:1-2; 2 Tesalonica 2:15; Filipos 4:9; 1 Tesalonica 1:5). "...at naniwala sila sa Kasulatan at sa mga sinabi ni Jesus..." (Juan 2:22) Ang kalipunan ng mga doktrinang Cristiano, katuruang moral, at pamamaraan ng pagsamba na ipinasa ng mga apostol sa Simbahan at nasa pag-iingat ng mga naging kahalili nila--ang mga obispo--ang tinatawag nating Tradisyong Apostoliko. Matatagpuan ang Tradisyong Apostoliko sa mga sinaunang Kredo, sa mga canon ng mga konsilyo ng Simbahan sa tanang kasaysayan, sa mga itinuro ng mga Santo Papa, mga "Ama ng Simbahan" (Church Fathers), at ng mga santo, at sa mismong Liturhiya. Ang Banal na Kasulatan at ang Tradisyong Apostoliko ang bumubuo sa Lagak ng Pananampalataya ("Deposit of Faith"), at ang tagapag-ingat at tagapag-paliwanag ng mga ito ay ang Nagtuturong Simbahan o "Mahisteryo". Ang Mahisteryo ay kinabibilangan ng Santo Papa--ang kahalili ni Apostol San Pedro--at ng mga obispong nakikiisa sa kanya. Ang Mahisteryo, hindi ang mga indibidwal na Cristiano, ang ginagabayan ng Espiritu Santo sa pag-iingat at pagpapaliwanag ng mga Pagpapahayag ng Diyos (Divine Revelation) na ipinasa sa Simbahan (Deposit of Faith) sa pamamagitan ng Biblia at ng Tradisyon (Mateo 16:18-19, 18:18; Lucas 24:49; Juan 16:12-13; Roma 10:15; 2 Timoteo 1:6-7, 13-14, 2:2; Tito 2:15; Hebreo 13:15; 2 Pedro 1:20-21, 3:16). "Paano kong mauunawaan ito kung walang magpapaliwanag sa akin?" (Gawa 8:31)--may mga bahagi ng Biblia na mahirap unawain kaya't kailangan natin ang Mahisteryo upang ipaliwanag sa atin nang wasto ang mga Salita ng Diyos (Nehemias 8:8; 2 Pedro 1:20-21, 3:16). Ang "Biblia" ay nabuo lamang noong ika-apat na siglo, at ito'y binuo ng Simbahang Katoliko sa kanyang mga konsilyo. Ang Simbahang Katoliko ang nag-ingat sa Biblia sa tanang kasaysayan, at bago pa man naimbento ang mga makinaryang panlimbag noong 1450, ang mga mongheng Katoliko ang matiyagang gumawa ng kopya ng Biblia sa pamamagitan ng pagsusulat. Ang pag-iral ng Biblia sa kasalukuyang panahon ay utang na loob ng sangkatauhan sa Simbahang Katoliko. At bago pa man nagkaroon ng Biblia, ang Ebanghelyo'y matagal nang naipalalaganap ng Simbahan sa pamamagitan ng Tradisyon. Ang Simbahan ay hindi bunga ng Biblia, bagkus ang Biblia ay bunga ng Simbahan. At ang Simbahang Katoliko ang totoong nagmamahal at nagpapahalaga sa Salita ng Diyos, hindi ang mga anti-Katolikong "Cristiano". Ipinagbabawal ba ng Biblia ang pagsunod sa Tradisyong Apostoliko? Hindi. Maliwanag na itinuturo ng Biblia na dapat nating sundin ang Tradisyon ng mga Apostol (2 Tesalonica 2:15, 3:6; 1 Corinto 13:1, paalaala: sa mga Bibliang Protestante ang salitang "tradisyon" sa mga nabanggit na bersikulo sa Biblia ay pinalitan nila ng "katuruan" o "katotohanan"). Ang mga masasamang tradisyon ng mga Pariseo at ng mga Pagano ang ipinagbabawal ng Biblia (Marcos 7:1-13; Colosas 2:8), hindi ang Tradisyong Apostoliko. Kung iisipin, ang doktrina pa ngang Sola Scriptura ay isang tradisyong makasanlibutan na ipinamamarali ng mga Protestante.

Ang ganda naman nito, sana maraming ganitong info...we need more technical info like this.... Two thumbs Up!Ano po ba ang turo ng simbahan kung saan napupunta ang kaluluwa pag namatay na ang tao? Ano po ang ibig sabihin ng revelation na mabubuhay ang lahat ng mga patay at sabay sabay na huhusgahan?

Read more...

bakit may pabasa?

ang "PABASA" ay parte na ng pananampalatayang pilipino. marahil marami ang nagtataka ukol sa gawaing ito. ang aking pong masasabi ay: ang pabasa ay part ng tinatawag nating inculturation. wala xa bibliya pero ang diwa nito at nilalaman ay nasa bibliya, ikalawa, isa itong uri ng panalangin kung susuriin mo at babasahin mabuti ang nilalaman.kaya anuman ang intensyon mo sa gawaing ito ay walang masama kc maituturing itong panalangin. mababasa sa aklat ng mark 11:24 "whatever you ask in prayer believe that you have received it and it will be yours." malinaw po iyan. so masama ba manalangin at gunitain pagnilayan ang kasaysayan ng ating kaligtasan.hindi. bagkus nakakapagevangelize ka pa sa ganitong gawain. ikatlo, sa pananalangin hndi tayo ang nagsasalita maging ang ating utak... kundi ang pusong nananalig. hindi nirerequire ni god ang malaking pananalig kundi kahit kasing ng mustasa lng. romans 10:10 basahin mo di ko kc tanda ang nasusulat pero itoy tiyak na tumutukoy sa pusong nananalig at naililigtas. kaya wag nating gawing biro ang pabasa kc itoy isang panalagin na dapat nagmumula sa puso kapatid. purihin ang diyos!!!!

Read more...

encunter

isa pa pong tanong, ano po ba ang significance ng paggamit ng insenso sa misa? >>>>nku mukang wala na akong maisasagot. nakakatuwa kc marami ang nakakaalam. dagdagan ko lng. ang kamanyang o insenso ay simbolo din ng pagkadiyos ni kristo sapagkat syay diyos na ktaastaasan juan 1:1-20.... simbolo ng kanyang pagiging dakilang saserdote o pari..pangalawa po, meron po bang mga kinokondena ang simbahan sa mga tradisyon na mga kinaugalian nating mga katoliko na may kinalaman sa ating pananampalataya na minana pa natin sa tradisyon ng mga kastila? Or pine preserve natin ang mga tradisyon na un? Kung meron anu ano ang mga yun? As far as i know po kasi ilan sa mga ginagawa natin ngayon na naaayon sa ating pananampalataya ay hango sa mga gawa ng mga pagano noon. Kaya na aaccuse tayong mga pagano.>>>>>wala akong alam na may kinonde na ang simbahan sapagkat ang iglesia katolika romana ay malaki ang pagpapaphalaga sa tradisyon dahil ito ang pinagmulan ng sinaunang mga kristyano, totoo na may pagkakahawig ang tradisyon subalit magkaiba ang proseso ng ritual ng kristyano at mga pagano. k2lad na lamang ng pagluluhog ng panalangin, sa ating simbahan ay sa pag gamit ng insenso o kamanyang, sa kaugaliang pagano nman ay pagsusunog ng kanilang mga ari arian o mga hayop. sa lumang tipan ay madalas na nag aalay ng hayop ang mga taga sunod ni Yahweh kc nga nagmula sila sa pagiging walang diyos o pagsamba sa mga bagay na nakikita ng kanilang mga mata at isa pa di pa dumadating dat time ang panginoong hesus kya wala pa silang sinusunod na kaugaliang kristyano. ang tawag dyan sa katesismo ay "faith inculturation".

Read more...

Kuya pau on National T.V

Pls watch the Studio 23 on march 29, 2009,sunday 7:00 in the morning, THE CHURCH ALIVE,,, guests: Kuya Paulo Miguel Magisa and Sis. Belen Rivera FRC Elder and adviser... pls watch.

"The Family that prays together stays together and a World at prayer is a World at peace...."

-Servant of God, Fr. Patrick Peyton,CSC.. "

Read more...

"IGLESIA KATOLIKA ROMANA'

Ang Simbahang Katoliko ay Katoliko. Ang pagiging "katoliko" ng Simbahan ay hindi tumutukoy sa kanyang pangalan na "Simbahang Katoliko", sapagkat tinatawag lang siyang gayon dahil katoliko siya. Ang pagka-Katoliko ng Simbahan ay tumutukoy sa kanyang natatanging katangian kung paanong ang Presensya ng Panginoong Jesu-Cristo ay sumasalahat, itinuturo niya ang lahat ng mga ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo at ng kanyang mga apostol, nasa kanya ang lahat ng kaparaaanan upang matamo ng mga Cristiano ang Kaligtasan, at siya'y isang Simbahan na para sa lahat ng tao sa lahat ng panahon. Ang salitang "katoliko" ay hango sa salitang Latin na "catholicus" na hango sa salitang Griego na "katholikos" na ang ibig sabihin ay "panlahat".
Ang isang Katoliko ay hindi kailanman nag-iisa sapagkat palagi niyang kasama ang Diyos. "Ipinailalim ng Diyos sa kapangyarihan ni Cristo ang lahat ng bagay, at siya ang ginawang ulo ng iglesya. Ito ang katawan ni Cristo, ang kapuspusan niya na pumupuspos sa lahat-lahat." (Efeso 1:22-23). Kasama natin si Jesus hanggang sa wakas ng panahon (Mateo 28:20), at tayo'y ginagabayan ng Espiritu Santo magpakailanman upang maunawaan natin ang buong katotohanan. (Juan 14:16-17).
Ang Simbahang Katoliko ay para sa lahat ng panahon. Nang itinatag ng Panginoong Jesus ang Simbahan noong 33 AD, siya ay nanatili at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Mula nang siya'y maitatag, walang panahon na siya'y "pansamantalang naglaho". Kasama niya palagi ang Panginoong Jesus at hindi siya pinababayaan, sapagkat "Si Jesu-Cristo noong nakaraan ay siya rin sa kasalukuyan at siya rin magpakailanman." (Hebreo 13:8). Mahal ni Jesus ang Simbahan kaya't patuloy niya itong inaalagaan (Efeso 5:29). Ang bawat denominasyong Cristianong di-Katoliko ay talagang hindi Katoliko sapagkat nagsimula lamang sila noong 1500's at noong mga sumunod na henerasyon. Ang "Orthodox Church" ay nagsimula lamang noong 1054. Ang "Lutheran Church" noon lamang 1522. Ang mga "Baptist" noong lamang 1609... Para lang masabi na sila ang "tunay na relihiyon", winawalang-halaga nila ang pagiging "katoliko" ng Simbahang itinatag ng Panginoong Jesus, at ipinipilit nila na ang Simbaha'y natalikod sa katotohanan noong unang panahon at ang mga "iglesiang" itinatag ng mga "Repormista" ay pawang "pagtatama" lang sa mga umano'y pagkakamali daw ng Simbahan. Winawalang-halaga nila ang sinasabi sa Biblia na sa pamamagitan ni Jesu-Cristo at ng kanyang Simbahan nabibigyang-karangalan ang Diyos magpakailanman. (Efeso 3:20-21) Walang katuturan na sabihing napararangalan ang Diyos sa pamamagitan ng Simbahan magpakailanman kung may panahong "natalikod" ito sa Katotohanan.
Ang Simbahang Katoliko ay para sa lahat ng tao. Hindi lang siya para sa mga Pilipino o sa isang partikular na pangkat ng lipunan. Hindi lang siya para sa mga matatalino kundi para din sa mga hindi gaanong nakakaintindi. Hindi lang siya para sa mga nagbabasa ng Biblia kundi para din sa mga hindi marunong magbasa subalit handang tumalima kay Jesus. Hindi lang siya para sa mga mayayaman kundi para din sa mga mahihirap. Ang Simbahang Katoliko ay walang itinatangi at walang hinahamak na tao sapagkat ang Mabuting Balita ng Kaligtasan ay para sa lahat ng mga nilalang sa langit at sa lupa, at sa pamamagitan ng Simbahan, naipakikilala ng Diyos ang Kanyang walang hanggang karunungan sa lahat ng mga nilalang (Efeso 3:10).
Itinuturo at itinataguyod ng Simbahang Katoliko ang lahat ng mga itinuro at ipinahayag ng Diyos, nasusulat man sa Biblia o nasa Tradisyong Apostoliko. Hindi niya winawalang-halaga ang Tradisyon ng mga Apostol dahil lang sa hindi ito nasusulat sa Biblia, sapagkat batid niyang ang Simbahan ay hindi isang "relihiyon ng libro" kundi relihiyon ng Salita ng Diyos na buhay. Lahat ng mga itinuro at ginawa ng Panginoong Jesus ay mahalaga kaya't kahit ang mga ito'y hindi nasusulat (Juan 20:30, 21:25), ang mga ito'y ating pinahahalagahan at buong pagmamahal na iniingatan at itinuturo. Subalit noong 1517, nag-protesta si Martin Luther sa kapamahalaan ng Simbahang Katoliko at inimbento niya ang doktrina ng Sola Scriptura o "Biblia Lamang". Para sa mga Protestante, wala silang ibang pinagbabatayan ng mga doktrina kundi ang Biblia lang. Subalit ang mismong Biblia na ginagamit nila ay binawasan ng mga mahahalagang kasulatan--ang mga Deuterocanonico. At may mga bahagi pa ng Bagong Tipan na hindi nila lubusang tinatanggap, sapagkat ang bintang nila, "idinagdag" lang daw iyon ng Simbahang Katoliko. Bukod pa rito, may kanya-kanya silang interpretasyon ng mga "Biblia" nila, kaya't mas lalo lang gumulo at nagkawatak-watak ang Cristianismo. Pati ang mga Sakramentong itinatag ng Panginoong Jesus at inilagak sa pangangalaga ng Simbahan ay kanila ring pinakialaman, binago, binawasan, at may ilan pang lubusang itinakwil. Tanging ang Simbahang Katoliko ang patuloy na naninindigan sa kahalagahan ng Pitong Sakramento na itinatag ng Panginoong Jesu-Cristo.
Mula noong unang siglo hanggang sa kasalukuyan, naging "opisyal" na pangalan na ng Simbahan ang pangalang "Simbahang Katoliko" sapagkat ito lang ang pangalang hindi maaatim na angkinin ng alinmang nagpapanggap na "iglesia" o "simbahan". Naipakikilala ng pangalang ito ang lahat ng mga natatanging katangian ng Simbahang itinatag ng Panginoong Jesu-Cristo. Sinabi noon ni St.Ignatius, "Kung nasaan si Jesu-Cristo, naroon din ang Simbahang Katoliko." (Sulat ni San Ignatio sa mga taga-Smyrna 110 AD). Sa panahon natin ngayon maraming Protestante ang pilit winawalang-halaga ang pagiging "katoliko", at mayroon din namang ilan na nagsasabing "katoliko" din daw sila, kahit hindi nila kayang patunayan at panindigan ang implikasyon ng pangalang ito. Sa tanang kasaysayan, mayroon lang nag-iisang Simbahang Katoliko, at iyon ang Simbahang Katoliko na kinabibilangan ngayon ng mahigit 1 bilyong tao sa buong mundo.

Read more...

About This Blog

About This Blog

  © Free Blogger Templates Spain by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP